Nanawagan si Senator Joel Villanueva na patawan ng firing squad ang mga mapatutunayang sangkot sa umano’y flood control scam.

Ayon kay Villanueva, nais niyang managot ang mga mapatutunayang bahagi ng naturang scheme dahil malaki ang naging epekto ng pagbaha sa kanilang probinsya sa Bulacan.

Itinanggi rin ni Villanueva na may kaso siya kaugnay ng isyu, kahit na dati siyang itinuro ng dating DPWH district engineer na si Henry Alcantara bilang kabilang umano sa multi-bilyong korapsyon.

Ayon sa mga rekord ng COA, wala umanong nakitang ugnayan si Villanueva sa flood control fraud sa Bulacan, at wala ring pormal na kasong isinampa laban sa senador.

Samantala, ipinaalala na abolished na sa Pilipinas ang death penalty mula 2006 sa ilalim ng Republic Act No. 9346.

-- ADVERTISEMENT --