TUGUEGARAO CITY- Pinag-aaralan na ng Explosive Ordnance Disposal Unit ng Cagayan PNP ang isang vintage bomb na nakita sa gilid ng isang bahay sa Brngy.Malalinta,Lasam,Cagayan.

Sinabi ni Police Master Sgt. Ronnie Vidad ng PNP Lasam na idinulog sa kanilang himpilan ng may-ari ng bahay na si Antero Alcaide ang nasabing bomba.

Ayon kay Vidad,dalawa umano ang nasabing vintage bomb subalit ang isa ay ginawa na umanong kasangkapan.

Sinabi niya na isang taon na umano ng makita nila ang nasabing bomba subalit ngayon lamang sinabi sa mga pulis.

Samantala,nagpapagaling na sa ospital sa Tuguegarao City ang isang ginang na tinamaan ng sumabog umano na bomba sa Brngy.Cabatacan West.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Vidad na nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon kung anong uri ng bomba ang sumabog dahil wala silang nakita sa lugar na shrapnel.

Ayon pa kay Vidad,inaalam na rin nila kung may nagpasabog ng bomba o aksidente itong sumabog.

Sinabi pa ni Vidad na sa pahayag ng mga tao na nasa lugar nang mangyari ang pagsabog,nasa tabi umano ng bintana ni Pungtilan nangyari ang pagsabog.