Labis na depresyon ang itinuturong dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng isang vlogger sa pamamagitan ng pagtalon sa kabubukas lamang na Camalaniugan–Aparri Bridge.

Ayon kay PCAPT Shiela Joy Fronda, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, sinagip ng isang mangingisda ang 34-anyos na lalaking tumalon sa tulay na residente ng Camalaniugan, Cagayan.

Matapos ang matagumpay na pagsagip, agad siyang dinala sa pinakamalapit na pagamutan at sa kasalukuyan ay nasa stable na ang kondisyon.

May personal umanong problemang pinagdadaanan ang lalaki na hindi na binanggit batay sa kanyang kahilingan.

Matatandaan na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang nasabing tulay nitong Huwebes.

-- ADVERTISEMENT --