Posibleng ipagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BKSE) na nakatakda sa July sa gitna ng posibilidad na term extension para sa mga barangay at SK officials.
Reaksion ito ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ratitpikahan ng Senado ang bicameral conference committee report na humihiling na palawigin ang term of office ng mga barangay at SK officials mula tatlo sa apat na taon, at ipagpaliban ang eleksyon sa unang Lunes ng November 2026.
Sinabi ni Gaqrcia na ginagalang nila kung ano man ang mapagkasunduan sa Kongreso, at susunod ang Comelec lalo na at ito ay pagpapaliban sa halalan.
Ayon sa kanya, hihintayin nila ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung aaprubahan o ive-veto ang nasabing panukalang batas.
Idinagdag pa niya na nakatakdang magsagawa ng emergency meeting ang Comelec sa susunod na linggo para talakayin ang paghahanda sa BSKE, kabilang ang procurement of requirements, at ang posibleng suspension ng voter registration.