Posibleng buksan ulit ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaparehistro ng mga botante sa darating na Oktubre.

Ito ay sakaling matapos na ang sampung araw na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na iiral hanggang ika-10 ng Agosto.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, maaaring buksan ulit ang voter registration sa ikatlong linggo ng Oktubre.

Magtutuloy-tuloy na raw ito hanggang sa July 2026.

Una nang sinabi ni Garcia na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang nagpapaliban sa BSKE sa Nobyembre ng susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Pero patuloy pa rin daw ang poll body sa paghahanda sakaling may maghain ng Temporary Restraining Order sa Korte Suprema na layong harangin ang pagpapatupad ng pipirmahang batas.