Iginiit ng legal counsel ng Lucky South 99 Corporation, ngayong Linggo, na walang batayan ang mga alegasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa Lucky South 99 Corporation, na sinalakay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga, dahil sa ilegal umano na operasyon nito.

Ayon kay Jovito Barte, abogado ng naturang kumpanya, may provisional license ang Lucky South 99 na ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), pero ito ay ni-revoked noong Mayo 22.

Dagdag pa niya, itinigil na ng kumpanya ang lahat ng kanilang operasyon bago pa man ang raid noong Hunyo 4, o isang linggo matapos bawiin ang lisensya nito.

Ani Barte, nasa proseso na sila ng pagsasara ng kompanya. Kaya noong dumating ang joint forces ng PAOCC at PNP sa bisa ng search warrant, walang tao sa lugar o kung mayroon man, ay paalis na ang mga ito.

Noong Hunyo 4, matatandaan na ni-raid ng PAOCC, Philippine National Police, at iba pang ahensya ng batas ang kampo ng Lucky South 99, na pinaniniwalaang sangkot sa ilang ilegal na aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --