Binuweltahan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pahayag na papalagan niya ang banta ng bise presidente sa kanyang buhay.
Sinabi ni Duterte na ang mga Marcos ang nasa likod ng assasination kay dating Senator Benigno Aquino.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Duterte na pumalag ang buong bayan ng pinatay umano ng Marcoses si Aquino.
Matatandaan na sinabi kahapon ni Marcos na nakakabahala na ang mga pagmumura at mga pagbabanta na ginagawa ni Duterte.
Ayon sa kanya, hindi niya ito palalampasin at papalagan niya ito.
-- ADVERTISEMENT --
Idinagdag pa ng pangulo na kung madali lang para kay Duterte na ipapatay siya, paano na lamang sa mga ordinaryong mamamayan.