Iginiit ni Vice President Sara Duterte na “at peace” siya sa kanyang impeachment case.

Sinabi ni VP Sara na handa na siya ano man ang maging hatol sa kanya ng impeachment court.

Inupakan din ng pangalawang pangulo ang pagiging abala ng administrasyon sa pagpapatalsik sa kanya sa puwesto sa halip na maghatid ng totoong serbisyo sa taongbayan.