Sinisi ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umiiral na kaguluhan at pagkakahati sa Senado, na aniya ay repleksyon ng pamumuno ng administrasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na ang patuloy na alitan sa pagitan ng mga bloc sa Senado ay nagpapakita ng kakulangan sa direksyon ng liderato ng bansa.

Ayon sa Bise Presidente, kapag walang malinaw na direksyon at bisyon ang pamahalaan, nagkakaroon ng pagkakawatak-watak hindi lamang sa Senado kundi sa buong bansa.

Nanawagan din si Duterte sa Senado na isantabi ang kanilang mga pagkakaiba at tutukan ang kanilang mga tungkulin alinsunod sa 1987 Constitution.

Binanggit din niya na dapat kasama sa talakayan ang mga kasalukuyang hindi nakakadalo sa sesyon, kabilang ang mga detinadong senador at mga senador na umano’y nagtatago.

-- ADVERTISEMENT --

Sa tanong kung kinikilala niya si Senador Sherwin Gatchalian bilang lider ng Senado, sinabi ni Duterte na ipaubaya na ito sa Korte Suprema ang pagdedesisyon sa isyu.