
Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang paggamit umano ng mga insulto at name-calling sa kanyang impeachment trial, iginiit na dapat patunayan ang mga alegasyon sa pamamagitan ng ebidensya at hindi ng mga haka-haka o political theatrics.
Ayon kay Duterte, hindi kailangan ng matitinding salita upang patunayan ang isang matibay na kaso. Tinukoy niya ang paggamit ng mga salitang “mastermind,” “scam” at “stupid” laban sa kanya at sa ilang testigo.
Nauna nang pinabura sa rekord ng impeachment court ang “scam” at “mastermind” na ginamit ng prosekusyon, habang tinawag naman ni Senator-Judge Raffy Tulfo na “stupid” si OVP special disbursing officer Gina Acosta dahil umano sa blind loyalty.










