Binisita ni Vice President Sara Duterte si dating Vice President Leni Robredo sa lungsod ng Naga nitong araw ng Biyernes, Setyembre 20.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez kung saan nasa Naga ang Bise Presidente dahil dumalo ito sa Peñafrancia Festival.

Sinamantala na rin ng pangalawang pangulo ang pagkakataon na dalawin si Robredo.

Paglilinaw naman ni Gutierrez na nagkaroon lamang sila ng personal na pag-uusap at iniwasan ang anumang usaping pulitika.

Magugunitang taong 2019 ng tinawag ni Vice President Duterte si Robredo na isang “Fake VP” bilang tugon sa komento ng pagiging tapat ng isang kandidato.

-- ADVERTISEMENT --