Nagsumite na sa National Bureau of Investigation o NBI ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng kanyang sinumpaang salaysay kaugnay ng alegasyon ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid siya ng mga maleta na naglalaman ng milyun-milyong pisong cash.

Ayon sa abogado ni Duterte na si Clifford Chua, hindi na kinailangang personal na humarap ang bise presidente at kopya lamang ng kanyang affidavit at mga kalakip na litrato ang kanilang isinumite.

Itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon ni Gracioso at sinabing may motibo itong pera at sama ng loob sa dating Speaker Lord Allan Velasco at pamilya nito.

Sinabi naman ni NBI Director Melvin Matibag na susuriin nila ang affidavit, kabilang ang mga litrato at video, at sasailalim ang mga ito sa authentication at verification.