Magsusumite ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte ng kanyang affidavit sa National Bureau of Investigation o NBI kaugnay ng mga alegasyon ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr.

Ayon kay Duterte’s counsel Atty. Paul Lim, mga abogado lamang ng bise presidente ang haharap sa NBI at hindi personal na dadalo si Duterte.

Inimbitahan ng NBI si Duterte matapos akusahan ni Gracioso na naghatid siya ng pera sa bise presidente at iba pa, umano’y sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon at sinabi niyang motibasyon umano ni Gracioso ang pera at sama ng loob sa pamilya Velasco.

Samantala, sinabi ng NBI na dalawa sa pitong tinukoy na umano’y “cash houses” ni Gracioso ay pagmamay-ari ni Velasco at ng kanyang asawa. itinanggi naman ng kampo ni Velasco ang mga paratang laban sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --