
Nananatiling nangunguna si Bise Presidente Sara Duterte sa pinakabagong presidential preference survey ng OCTA Research para sa 2028 elections.
Sa resulta ng Q1 2026 Tugon ng Masa survey na isinagawa noong Marso, nakakuha si Duterte ng 33%, mas mababa kumpara sa dati niyang 38%.
Samantala, tumaas naman ang suporta kay Naga City Mayor na si Leni Robredo sa 21% mula sa dating 8%, na pinakamalaking pag-angat sa mga posibleng kandidato.
Dahil dito, lumiit ang agwat ng dalawa mula 30 puntos ay naging 12 puntos na lang.
Kasama rin sa survey sina Manila Mayor Isko Moreno na may 10%, Senador Raffy Tulfo na may 9%, at Senador Bam Aquino na may 4%.
-- ADVERTISEMENT --
May 20% naman ang napunta sa iba pang pangalan, habang 2% ang undecided at 1% ang hindi sumagot.










