Hinamon ng mga mi¬yembro ng Makabayan bloc si Vice President Sara Duterte na boluntaryong ilabas ang mga ebidensiya nito at patunayan kung saan napunta ang kanyang confidential funds na may kabuuang halagang P612.5 milyon.
Ipinunto ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na walang pumipigil kay Duterte na isiwalat ang kanyang mga ebidensiya at patunayan na mali ang mga alegasyon laban sa kanya.
Aniya, paparating na ang budget hearing at tiyak na muling tatanungin ang Pangalawang Pangulo kaugnay rito na hanggang ngayon ay hindi pa niya nasasagot.