Iginiit ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) na hindi itinuturing na terorista si Vice President Sara Duterte sa gitna ng kanyang kill order laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres , hindi dapat na pinapangunahan ni Duterte ang pamahalaan, dahil pinagpapaliwanag lamang siya sa kanyang ginawang pananakot.
Sinabi ito ni Andres matapos na isilbi kay Duterte ang subpoena para ipaliwanag ang kanyang panig kaugnay sa umano ay grave threats sa ilalim ng Art. 282 of the Revised Penal Code in rel to Sec. 6 of RA 10175 at Posibleng paglabag sa RA 11479.
Ang RA 11479 ay ang Anti Terrorism Act of 2020.
Tinawanan naman ni Duterte ang imbestigasyon ng NBI ay may layunin na ma-access ang kanyang assets at ari-arian.
Ayon kay Duterte, ganito rin ang ginawa kay suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie”Teves Jr., ang umano’y utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degeamo at iba pa.
Noong 2023, itinuring ng Anti-Terrorism Council si Tevez at 12 iba pa bilang mga terorista, dahil sa umano ay maraming pagpatay at harrassment sa Negros Oriental.