Ikinumpara ni Vice President Sara Duterte sa isang “crucifixion” ang nalalapit niyang impeachment trial habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-47 kaarawan sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam, sinabi ni Duterte na ang proseso ay isang uri ng pag-uusig, na tinawag pa niyang “bloodbath,” na aniya’y sumisimbolo ng kanyang personal na paghihirap.

Binigyang-diin nI VP Sara na mali ang pagkakaintindi ng marami sa kanyang salitang “bloodbath” at iginiit na ito ay patunay ng political persecution mula sa administrasyon.

Inihayag niyang handa na ang kanyang legal team para harapin ang proseso, kahit pa may agam-agam kung itutuloy ito ngayong matatapos na ang 19th Congress.