
Inihayag ni Vice President Sara Duterte na ginamit ang inilaan na confidential funds sa Department of Education (DepED) sa pag-iimbestiga sa umano’y tamalak na korupsyon sa ahensiya na dati niyang pinamunuan, kabilang ang P2.9 billion deal para sa oudated at overprices laptops.
Subalit ang kanyang mga pahayag ay taliwas sa sinabi ng DepEd nitong nakalipas na taon na hindi nila alam kung paano ginamit ni Duterte ang P112.5 million confidential funds para sa ahensiya noong 2023.
Magugunita na makailang ulit na tumanggi si Duterte kung paano ginamit ang nasabing pondo, at itinuro ang Commission on Audit na ang ahensiya na otorisadong maglabas kung saan dinala ang pondo.
Sinabi ni Duterte na may maraming ulat ng korupsyon sa loob ng DepEd, hindi lamang sa central office kundi maging sa regional offices.
Noong March 2022, sinita ng COA ang DepEd, sa ilalim noon ni Secretary Leonor Briones, ang pinalitan ni Duterte, sa pagbili ng P2.4 billion na halaga ng outdated at masyadong mahal na laptops para sa mga guro na nagsasagawa ng online classes noong 2021, noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Subalit sinabi ni Duterte, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang pagbili ng overpriced laptops ay hindi umano nangyari sa loob ng DepEd, sa halip ay sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).
Gayunman, inamin ni Duterte na nabigo sila na i-blacklist ang mga kumpanya, at umasa sila sa rekomendasyon ng COA maging sa Senate blue ribbon committee, na nagsagawa ng imbestigasyon sa usapin.
Sa committee report ng Senado, natuklasan na overpriced ng nasa P979 million o P58,700 ang halaga ng isang laptop.
Noong August 2023, ipinag-utos ng noon ay Ombudsman Samuel Martires ang anim na buwan na suspension na walang bayad ang mga dati at dating mga opisyal ng DepEd at PS-DBM sa kanilang naging papel sa transaksiyon.