Nagsalita na si Vice Preaident Sara Duterte hinggil sa sugat sa kaniyang leeg na unang napansin ng publiko noong dumalo siya sa Independence Day flag-raising ceremony sa Davao City noong Hunyo 12.

Ito ay kasunod na rin ng video na ipinost online ng isang anonymous person kung saan tinatanong ang ikalawang pangulo kung ano ang nangyari sa kaniyang leeg.

“Sinubukan nila akong i-gurgur pero hindi sila nagtagumpay.”

Samantala, nang muling matanong si VP Sara sa isang ambush interview sa Cagayan de Oro nitong Martes matapos ngang kumalat online ang naturang video, ipinaliwanag ng bise presidente na hindi na kailangan pang i-interpret ang kaniyang sinabi dahil very straightforward na ito.

Nang tanungin naman kung sino ang kaniyang tinutukoy, tugon ni VP Sara “Silang lahat” subalit wala itong pinangalanan.

-- ADVERTISEMENT --