
Nanindigan si Vice President Sara Duterte na wala sa kamay niya ang pagsasagawa ng mga hakbang para patalsikin ang kasalukuyang administrasyon.
Sagot ito ni VP Sara sa tanong na kung handa ba siyang pangunahan ang People Power.
Sa isang media interview matapos ang kaniyang talumpati sa isang Independence Day event sa Davao City, sinabi ni VP Sara na bilang successor ng posisyon ng Pangulo alinsunod sa Konstitusyon, mayroon daw siyang sinumpaang tungkulin para protektahan ang Saligang Batas.
Ibig-sabihin, wala raw sa kaniyang kamay ang pagsasagawa ng mga ‘extra-consitutional’ na pamamaraan para mapatalsik ang administrasyon.
Sabi pa ni VP Sara, hindi niya raw gustong agawin ang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Idiniin din ni VP Sara na ang ‘pagnanakaw ng kalayaan’ ay hindi lamang limitado sa mga mananakop na ibang bansa.
Aniya, nawawla rin ang kalayaan at soberanya ng mga Pilipino dahil sa umano’y mala-sindikato na pagnanakaw sa pera ng bayan.










