Naihain na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena para kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y “assassination threat” nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dumating ang NBI sa opisina ni Duterte sa Mandaluyong nitong Martes ng tanghali upang isilbi ang subpoena nito.
Ang naturang subpoena ay tungkol sa isiniwalat ni Duterte noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si PBBM, at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Wala pa namang tugon ang kampo ni Duterte hinggil sa nasabing subpoena.