Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na may personal relationship siya kay Ramil Madriaga.

Kasabay nito, inakusahan niya si Madriaga na sinisiraan siya dahil sa kanyang posibleng pagtakbo bilang president sa 2028.

Iginiit ni Duterte, si Madriaga na nagpakilala na dati niyang aide, ay walang ipinakita na patunay o mga dokumento para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Batay sa alegasyon ni Madriaga, pinopondohan ng drug dealers at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang kampanya na Inday Sara Duterte is My President (ISIP) Pilipinas.

Sinabi ni Duterte, “I do not have a personal relationship with Ramil Madriaga, nor have I ever given him instructions of any kind. I have never visited him in prison, nor have I spoken to him about anything at any time.”

-- ADVERTISEMENT --

“The photographs he submitted are unrelated images taken during public events where I was present. These images do not support his allegations and merely show that he was present as part of an election campaign group,” she added. 

Idinagdag pa ni Duterte na desperado na si Madriaga, dahil sa kagustuhan na makalabas sa kulungan.

Ayon kay Madriaga, kasama niya sina Col. Dennis Nolasco and Col. Raymund Lachica sa tactical transport services, sa pagbabantay kay Duterte at iba pang VIPs, at nagdadala ng malalaking halaga ng pera sa ilang personalidad mula July 2022 hanggang April 2023.

Isa sa bahagi ng kanyang affidavit at may pamagat na “confidential funds,” kung saan idinetalye niya ang pagdadala niya ng milyon-milyon at billion na pera.

Minsan ay humingi umanom siya ng tulong mula sa bise presidente tungkol sa isang kaso.

Binisita umano siya ni Duterte sa Camp Bagong Diwa, kung saan siya nakakulong dahil sa kasong kidnapping for ransom.

Hiniling ng kampo ni Madriaga kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang mga alegasyon sa kanyang sinumpaang salaysay.

Ito ay matapos na manawagan si House committee on human rights chairperson and Manila Rep. Benny Abante sa Ombudsman at House panels na imbestigahan ang mga alegasyon ni Madriaga.