Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang scaled-up implementation ng kanilang food stamp program, kung saan target ang 300, 000 households na makatanggap ng stipend ngayong taon.
Isinagawa ang ceremonial launsh ng full rollout ng “Walang Gutom (no hunger) 2027: Food Provision through Strategic Transfer and Alternative Measures Program (Food Stamp)” sa lalawigan ng Leyte kahapon.
Sabay-sabay na isinagawang kickoff ng programa sa siyam na iba pang probinsiya, sa Isabela, Camarines Sur, Cebu, Negros Oriental, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Maguindanao at Surigao del Norte.
Sinabi ni Social Welfare Undersecretary Eduardo Punay na umaasa sila na maaabot ng programa ang nasa 1 million “food poor” families sa 2027.
Upang maabot ang target, muling magbibigay ang ahensiya ng karagdagang 300, 000 na stamps sa mga household sa 2025, at 400, 000 sa 2026.
Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 1.4 million households sa bansa ang ikinokonsideranbg food-poor.