Nanindigan ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na walang special treatment na natatanggap si dating House Speaker at Rep. Martin Romualdez habang nakakulong.

Ayon kay BJMP spokesperson Superintendent Jayrex Bustinera, kapareho ng ibang mga bilanggo ang natatanggap ni Romualdez, kabilang ang visitation privilege, pagkain, medical care at access sa mga hearing.

Dumadaan din sa security check ang mga pagkaing dinadala ng mga bisita para kay Romualdez, gaya ng proseso para sa mga ordinaryong preso.

Sinabi ni Bustinera na tanging dagdag na seguridad ang ipinatutupad kay Romualdez at iba pang high-profile inmates dahil sa mga posibleng banta gaya ng pagtakas o rescue.

Giit ng BJMP, hindi ito special treatment kundi bahagi ng security measures para sa mga high-profile na nakakulong.

-- ADVERTISEMENT --