
Kinuwestiyon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagpayag na magkaroon ng personal aide si dating House Speaker Martin Romualdez habang nakakulong.
Ayon kay Remulla, walang sapat na dahilan upang bigyan ng personal na alalay mula sa labas ang isang taong nasa kustodiya ng pamahalaan. Inihayag din niyang iimbestigahan niya ang naturang arrangement.
Samantala, kinumpirma ng BJMP na iniimbestigahan na nito ang pahintulot na ibinigay ng isang jail warden. Tiniyak ng ahensiya na hindi nito kukunsintihin ang anumang hindi awtorisadong pribilehiyo o espesyal na pagtrato sa mga persons deprived of liberty.










