Nasa ligtas na kalagayan na ang walong indibidwal na kinabibilangan ng apat na taong gulang na sakay ng

tumaob na motor bangka sa karagatang sakop ng Brgy. Poblacion, Calayan, Cagayan.

Sa ulat ng Coast Guard Station Calayan, tumaob ang bangka 25 metro ang layo mula sa dalampasigan ng

naturang barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Ranilo Dumarad, may-ari ng motor banca, papalapit na sila sa pampang ng tumaob ang banca dahil

sa hindi balanseng posisyon ng mga pasahero nito.

Ang insidente ay agad na nirespondehan ng mga nakakitang tauhan ng Coast Guard Station Calayan at

nadala sa ligtas na lugar ang mga pasaherong sakay ng banca.