Walo patay sa pananalasa ng bagyong Butchoy at Carina-NDRRMC

Walong katao ang naiulat na nawawala bunsod ng bagyong Butchoy at Carina.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na-validate na ang pito sa namatay habang isinasailalim pa sa calidation ang isa pa.

Sinabi ng NDRRMc na ang apat na namatay ay mula sa Zamboanga Peninsula, dalawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at tig-isa sa Northern Mindanao at Davao Region.

Samantala, dalawa ang nasugatan at isa ang nawawala sa Northern Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa NDRRMC, kabuuang 866, 483 families ang apektado ng sama ng panahon.

Tinaya pa ng ahensiya ang danyos sa agrikultura sa P8.7 million habang ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang P700,000.