Patay ang walong katao matapos ang aksidente sa national highway sa Barangay San Pedro San Pablo, Aurora, Isabela kaninang 2:45 ng madaling araw.

Kabilang sa mga nakilalang dead on arrival sa pagamutan sina Oseas Calderon Danguilan, nasa wastong gulang, Niches Heizle Cagayongan, nasa wastong gulang, Claribel Maling, legal age at Jing Romboa, pawang mga residente ng Barangay Turod Bulo, Tabuk City, Kalinga, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na iba pa.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng isang six wheeler truck ang nasabing daan sa timog na direksion nang bigla itong pumunta sa kabilang linya ng kalsada.

Nabangga ng truck na minaneho ni October de Leon, residente ng Brgy. San Antonio Minit, Echague, Isabela ang kaliwang bahagi ng isang Toyota Hi Ace na minaneho ni Ron Ron Onalan, residente ng Brgy. Danao, Lacnog, Tabuk City.

Dahil dito, bumangga naman ang isa pang Hi Ace Van na nakabuntot sa unang Hi Ace Van.

-- ADVERTISEMENT --

Nagresulta ito sa pagkasugat ng mga pasahero ng unang van na dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa lugar.

Subalit idineklarang dead on arrival ang driver ng nasabing van at pitong pasahero nito nang umasikasong doktor.

Ayon kay PCapt. Tomas, human error ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng inisidente.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Aurora Police Station ang truck para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.