Sugatan ang walong katao matapos na bumagsak ang isang bomba sa civilian district, at sinira ang maraming bahay at simbahan sa live-military drill exercises sa Pocheon, South Korea kaninang umaga.

Sinabi ng opisyal ng Gyeonggi-do Bukbu Fire Services, sa walong nasugatan, apat ang nagtamo ng matinding pinsala.

Ang Pocheon ay matatagpuan 40 kilometers northeast ng Seoul at malapit sa militarised border sa North Korea.

Pinaghihinalaan ng fire officials na ang bomba na tumama sa nasabing bayan ay mula sa kasalukuyang live-fire joint military exercises na isinasagawa ng South Korea at United States.

Walang detalye ang mga opisyal kung anong uri ng bomba ang tumama sa kabahayan, subalit pinaniniwalaan na nagkaroon ng misfire ang isang figher jet habang isinasagawa ang military exercises.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ng defense ministry na nagsasagawa ang South Korea at U.S. forces ng kanilang kauna-unahang joint live-fire exercises sa Pocheon.