Nakatanggap ng P11.63 million na cash incentives ang walong civilian informants mula sa Philippine Drug Enforcement Agency kahapon.
Sinabi ng PDEA na ang mga nasabing informants ay binigyan ng pabuya para sa kanilang papel sa pag-aresto sa mga drug suspect at pagkakakumpiska ng malaking halaga ng shabu.
Nakuha ng informants ang nasabing halaga sa Operation Private Eye ng PDEA, isang reward system para hikayatin ang mga tao na isumbong ang illegal drug activities sa kanilang komunidad.
Pinangunahan ni PDEA director general Isagani Nerez ang pagbibigay ng cash sa mga nasabing informants, na nakasuot ng face masks sa seremonya para protektahan ang kanilang kaligtasan.
Nakatanggap ang apat sa walong informants ng tig-P2 million para sa mga impormasyon na kanilang ibinigay sa PDEA, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 89.56 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P609.04 million sa Barangay Putatan, Muntinlupa City at sa Barangay Pantok sa Binangonan, Rizal noong buwan ng Marso.
Sinabi ni Nerez na isang malaking tulong sa kampanya laban sa illegal drugs ang partisipasyon ng mga sibilyan.