Nabigo si Vanessa Sarno sa kanyang unang pagsabak sa kompetisyon sa snatch sa Paris Olympics kaninang madaling araw matapos na hindi nagawa ng dating Asian champion ang lahat ng kanyang tatlong attempts sa women’s weightlifting 71kg class sa Paris Olympics sa South Paris Arena.

Ito na ang pagtatapos ng laban ng weightlifting squad ng bansa.

Nabigo si Sarno sa kanyang unang dalawang attempts, na nagbigay ng matinding pressure sa kanyang ikatlong attempt.

Unang nabigo si John Cineza sa kanyang unang Olympics matapos na hindi nakayanan ang lahat ng kanyang snatch attempts habang si Tokyo Games campainer Elreen Ando ay umalis kasama ang kanyang personal best sa clean and jerk subalit hindi pa rin nakausad.

Nananatili ang medal count ng Pilipinas, sa dalawang gold medals ni Carlos Yulo at dalawang bronze medals na mula kina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawa na lamang ang natitirang campaigners ng bansa sa Olympics na sina golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.