Isinawalat ng isang astrologer na tinawag na ‘New Nostradamus’ ang kanyang hula para sa eksaktong petsa na magsisimula ang World War III.

Gumagamit si Kushal Kumar ng Vedic astrology na base sa planetary at star alignments sa kanyang paghuhula sa hinaharap.

Sinabi niya na unang ipinakita ng chart ang tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at Hamas, North at South Korea, China at Taiwan at Russia at Ukraine.

Naniniwala si Kushar na may malaking tsansa na magsisimula ang World War III sa June 18 ngayong taon.

Sinabi ng Indian astrologer na ang nasabing petsa ang may pinakamalakas na planetary stimulus sa hudyat ng WWIII subalit may ganito rin na ipinapakita ang chart sa June 10 at 29.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang orihinal na Nostradamus ay si Michel de De Nostredame, na kilala na si Nostradamus, ay isang French astrologer na naglathala ng libro na ‘Les Propheties’ noong 1555.

Ang nasabing libro ay koleksion ng 942 poetic quatrains na naghuhula umano sa mga kaganapan sa hinaharap.

Marami ang naniniwala na nahulaan niya ang Fire of London, French Revolution, the rise of Napoleon and Hitler, ang dalawang world wars, 9/11 maging ang kamatayan ni Diana, the Princess of Wales.