Pumanaw na ang wrestling legend na si Hulk Hogan sa edad na 71.
Nakatanggap ng tawag ang first responders mula sa kanyang tahanan sa Clearwater, Florida kahapon tungkol sa report ng “cardiac arrest,” subalit siya ay dead on arrival sa pagamutan.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Clearwater Police Maj. Nate Burnside, na walang foul play sa pagkamatay ni Hogan.
Si Hogan na ang tunay na pangalan ay Terry Bollea, ang pinakamalaking professional wrestler noong 80s at 90s.
Bumubuhos na ang tributes mula sa mundo ng wrestling, politika at Hollywood para kay Hogan, kung saan marami sa kanila ang nagsabi na kilala nila siya na “American pop culture fixture.”
Kilala sa kanyang pula at dilaw na outfits, ipinagpatuloy ni Hogan ang wrestling maging noong siya ay edad 50.
Matatandaan na natanggal siya sa WWE Hall of Fame dahil sa pagiging racist, subalit ibinalik siya noong 2018.
Nagkaroon din ng magandang career si Hogan sa showbiz, simula noong 1982, kasama siya sa “Rocky III,” kung saan ang kanyang papel ay ang iconic character na Thunderlips.
Naging bida din siya sa “No Holds Barred,” “Suburban Commando” at “Mr. Nanny.”
Sumikta din siya sa VH1 reality show, “Hogan Knoews Best.” kasama ang kanyang pamilya, na sina Linda, Nick at Brooke.