
Itataas ang Yellow Alert sa Visayas grid ngayong Sabado, Nobyembre 21, mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kabilang sa mga nakaapekto sa deklarasyon ng Yellow Alert ang hindi inaasahang pagkawala ng operasyon ng TVI 2, nakaplanong maintenance ng PCPC at KSPC 2, gayundin ang mababang kapasidad ng TVI 1.
Ang Yellow Alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Sa ngayon, wala pang idineklarang Red Alert, kaya nananatiling sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga konsyumer.
Normal naman ang suplay ng kuryente sa Luzon at Mindanao grid.
-- ADVERTISEMENT --










