
Ang ipinagmamalaking anak ng Kalinga na si Jerrold Pete Mangliwan, ang three-time Paralympian at isa sa most celebrated para-athletes ng bansa, ang napiling flag bearer ng Team Philippines para sa 2026 ASEAN Para Games, na isasagawa mula January 20 hanggang 26 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Ang ASEAN Para Games ay isang biennial regional multi-sport event para sa mga atleta na may kapansanan mula sa member states ng Association of Southeast Asian Nations at Timor-Leste.
Tampok sa 13th edition ng event ang 19 na para-sports – kabilang ang athletics, para swimming, para badminton, wheelchair basketball, at marami pang iba.
Ito ang itinuturing na isa sa pinakamalaking edition sa kasaysayan ng Para Games at isang mahalagang kompetisyon sa para-sports calendar sa Southeast Asia.
Sa panayam, sinabi ni Mangliwan na nagulat siya at isang karangalan para sa kanya na mapili bilang flag bearer, at dadalhin niya ang bandila ng Pilipinas ng may karangalan.
Matatandaan na naging kinatawan ng bansa si Mangliwan sa tatlong Paralympic Games: sa Rio Janiero noong 2016, Tokyo noong 2020 at Paris noong 2024.
Siya ay naging consistent performer sa mga nasabing kompetisyon, kung saan nagtala siya ng podium finishes.
Dinomina din ni Mangliwan ang regional competitions, nanalo siya ng maraming gold medals sa ASEAN Para Games, partikular sa T52 200-meter at 400-meter events, at naghatid siya ng medal-winning performances sa Asian Para Games, kaya nakuha niya ang estado na isa sa matagumpay na para-athlete ng bansa.
Ang pagiging flag bearer ni Mangliwan ay maituturing na milestone sa kanyang mahabang international career, dahil ito ang unang pagkakataon na binigyan siya ng pagkakataon na pangunahan ang delegasyon ng bansa sa major multi-sport event.










