Binuhay muli ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanyang “Yosi Kadiri” matapos na maalarma sa paglaganap ng paggamit ng vaping, lalo na sa mga kabataan.
Ayon sa DOH, layunin nitong ipabatid sa publiko ang ‘fatal link’ ng vape sa heart at lung diseases.
Nabatid na ang ‘Yosi Kadiri’ ay pangungunahan ng mga bagong personalidad, kabilang na sina ‘Vape Sulasok’, ‘Eva Li,’ at Ate Rose.
Sa paggunita ng World No Tobacco Day, muling nagbabala ang DOH sa publiko na ang tobacco at vape products ay nakamamatay.
Noong 2021 lamang, iniulat ng Global Burden of Disease Study na nasa 88,169 Filipino deaths ang iniugnay sa paggamit ng tobacco.
-- ADVERTISEMENT --
Giit pa ng DOH, ang vaping ay hindi healthy choice o ligtas na stepping stone sa pag-iwas sa tobacco.