Nai-turn over na ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pangunguna ni PCO President Bambol Tolentino ang house and lot incentives nina Olympic bronze medalists Aira Villegas at Nesthy Petecio at two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ang house and lot incentives nina Villegas ay ang ipinangako ng POC matapos ang makasaysayan nilang kampanya sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Tolentino, isa umano itong patunay sa pagkilala sa naging husay at dedikasyong inialay nina Petecio sa naturang kompetisyon.
Bahagi ang naturang house and lot na matatagpuan sa Tagaytay sa milyong halagang incentives na ibinigay ng pamahalaan para kina Petecio, na nakatakda na muling sumabak sa bakbakan para sa 2025 Southeast Asian Games.