Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinarang sa hangganan ng Germany ang dating mambabatas na si Zaldy Co matapos itong pumasok mula sa Czech Republic.

Ayon sa Pangulo, hindi pinayagang makapasok si Co sa Germany kaya ibinalik ito sa kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic.

Patuloy naman ang koordinasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa Czech Republic kaugnay ng kaso ni Co at sa mga susunod na hakbang para sa posibleng pagbabalik niya sa bansa.

Nauna nang inaresto si Co sa Prague at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control projects sa Pilipinas.