Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na handa ang Ukraine na ipatupad ang isang maritime truce sa Black Sea, batay sa mga panukala ng Egypt, India at Turkey.

Sa kanyang talumpati sa sidelines ng United Nations General Assembly, sinabi ni Zelenskiy na nakahanda ang Ukraine na tiyakin ang ligtas na paglalayag ng mga commercial vessel at food security, kung makikipagtulungan din ang Russia sa mga hakbang para sa de-escalation.

Ayon sa Ukrainian leader, kailangan nang magsimula sa ilang hakbang tungo sa pagpapahupa ng tensyon, lalo na’t halos natigil ang cargo movement sa Black Sea dahil sa mga pag-atake sa mga barko at port infrastructure.

Sinabi naman ni US Secretary of State Marco Rubio na parehong nagpahayag ng interes ang Russia at Ukraine sa isang limitadong ceasefire na sasaklaw sa grain shipments at energy infrastructure.

Gayunman, wala pang pampublikong pagsang-ayon ang Kremlin sa naturang mga panukala.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa tagapagsalita ng Kremlin na si Dmitry Peskov, wala pa umanong kondisyon para simulan ang mas malawak na peace negotiations, bagama’t bukas pa rin ang Russia sa pakikipag-usap.