Nakahanda umanong bumaba sa kanyang posisyon bilang Senate majority floor leader si Senator Juan Miguel Zubiri sa huling bahagi ng 2027 upang bigyan ng pagkakataon ang ibang senador.

Ayon kay Zubiri, hahayaan niyang pumalit sa kanya si Sen. JV Ejercito na kanyang Senior Deputy Majority Leader.

Sinabi ni Zubiri na isasagawa ang pagbabago sa paglipat ng Senado sa bagong gusali nito sa Fort Bonifacio sa Taguig.

Dagdag pa ng senador, uupo umano bilang bagong Senate President si Senator Loren Legarda, bago ang halalan sa 2028.

Nilinaw naman ni Zubiri na hindi pa opisyal ang kasunduan.

-- ADVERTISEMENT --