Umabot sa ₱7.05 milyon ang kabuuang tinanggap na alok para sa apat na luxury vehicle na Maserati sa isinagawang negotiated sale ng Bureau of Customs (BOC).

Kabilang sa mga sasakyan ang dalawang 2021 Maserati Levante Modena na may alok na ₱1.59 milyon at ₱1.60 milyon, at dalawang 2021 Maserati Levante GT Hybrid na nagkakahalaga ng ₱1.93 milyon bawat isa.

Ang Fast Car Traders Corp. ang naghain ng mga alok na tinanggap sa bentahan.

Gayunman, hindi pa pinal ang transaksiyon dahil kailangan pa ng pag-apruba ng Department of Finance (DOF) bago ito tuluyang maisakatuparan.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, mahalagang masunod ang lahat ng proseso at kinakailangang pag-apruba upang matiyak na legal, patas at malinaw ang transaksiyon, at mapangalagaan ang interes ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --