Umaabot sa 10 na rebelde ang kusang sumuko sa mga otoridad sa lalawigan ng Cagayan mula July 1 hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng PNP Cagayan na ang mga nasabing rebelde ay sumuko sa iba’t ibang PNP station sa lalawigan.

Ayon kay Fronda, apat sa mga ito ang may kasamang isinuko na mga baril at mga granada partikular sa bayan ng Baggao, Sanchez Mira, Gattaran, at Buguey.

Sinabi ni Fronda na ang boluntaryong pagsuko ng mga nasabing miyembro ng rebeldeng grupo ay resulta ng patuloy na mga aktibidad ng kapulisan sa mga komunidad para maiparating ang ilang serbisyo ng pamahalaan at mas pinaigting na kampanya laban sa insurhensiya.