Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na fake news ang kumakalat na impormasyon sa social media hinggil sa umano’y 100 porsiyentong pagtaas ng bayarin sa rehistro ng sasakyan.

Ayon sa ahensya, wala itong ipinatutupad na ganitong pagtaas at hindi rin naglabas ng anumang abiso ukol dito.

Binigyang-diin ng LTO na patuloy nitong layunin na panatilihing abot-kaya ang mga serbisyo para sa publiko, lalo na sa gitna ng kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya.

Kasabay nito, hinikayat ng LTO ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong nakikita online, at tiyaking beripikado ang pinagmulan bago ito paniwalaan o ipakalat.

Sa ngayon, nananatiling walang opisyal na anunsyo ang ahensya ukol sa anumang pagbabago sa singil sa vehicle registration.

-- ADVERTISEMENT --