TUGUEGARAO CITY-Nakatanggap ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) ang 12 magsasaka na mula sa bayan ng Rizal, Cagayan na benipisaryo ng programang “DAR to Door” program ng Department of Agrarian (DAR)-Cagayan.

Personal na tinanggap ng mga Agrarian Reform Beneficiaries ang kanilang titulo na pinangunahan mismo ng naturang ahensya.

May kabuuang siyam na ektarya ang naipamahaging agricultural lands na matatagpuan sa Illuru at Gaggabutan.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensya ang mga benipisaryo na palaguin ang lupa at huwag itong ibenta.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benipisaryo sa natanggap na titulo na malaking tulong para sa kanilang pangkabuhayan.

-- ADVERTISEMENT --