Patuloy ang search and rescue operations para sa 12 pasaherong nawawala matapos masunog at lumubog ang M/V June Aster sa Coron, Palawan.

Sinimulan ng mga awtoridad ang dewatering operation sa lower portion ng barko para maalis ang tubig at mahanap ang mga nawawalang pasahero.

Gumamit ng mga bomba at empty drums upang mailantad ang sahig ng lumubog na barko.

Batay sa pinakahuling tala, 76 na ang kumpirmadong nasawi, habang 44 ang nakaligtas, kabilang ang kapitan ng barko na hindi pa rin natatagpuan.

Samantala, 20 bangkay na ang naproseso ng forensic personnel, habang 41 iba pang labi ang pansamantalang inilibing sa Barangay San Nicolas habang nagpapatuloy ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

-- ADVERTISEMENT --