
Pumalo na sa 76 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa pagkasunog ng ferry boat sa Coron, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakarekober nitong Sabado ng gabi ang rescue teams ng karagdagang 41 bangkay na dinala sa pantalan ng Coron.
Ang unang 30 bangkay ay isinailalim na sa forensic examination upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
Kabilang sa 76 na nasawi ang unang limang biktima na kumpirmadong namatay matapos ang insidente.
Samantala, nagpapatuloy ang search and rescue operations ng PCG upang mahanap ang iba pang pasaherong maaaring nawawala matapos masunog ang barko noong Setyembre 9.
-- ADVERTISEMENT --







