
Umakyat na sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster sa Coron, Palawan.
Ito ay matapos pumanaw ang isa sa mga tripulanteng unang nakaligtas sa insidente.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, pumanaw kahapon ang crew member sa Culion Sanitarium and General Hospital.
Sa ngayon, 43 ang survivors habang 12 naman ang patuloy na nawawala.
Batay sa 132 indibidwal na nasa ticketed manifest, ito na ang pinakahuling bilang ng mga nasawi, survivors at missing.
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy ang recovery operations at imbestigasyon ng PCG at iba pang awtoridad kaugnay ng insidente.









