Aabot sa 12,000 kilos ng bigas na ang naibenta ng Cagayan Seed’s producer MPC dito lamang sa lungsod ng Tuguegarao sa ilalim ng P29 kada kilo ng bigas program.
Ayon kay Dumon Mabborang manager ng Cagayan Seed’s producer MPC, mula July 22, 2024 ay nakabenta ang nasabing kooperatiba ng humigit kumulang 2,000 kilos at itinuloy noong August 1-16 pista ng Tuguegarao na nakabenta naman ng 10,000 kilos ng bigas.
Madami aniya ang nakikipila ngunit hindi kuwalipikado dahil tanging mga senior citizens, solo parent at PWD lamang ang mabebenipisyuhan sa nasabing programa.
May ibinibigay rin umano ang DSWD na cuopon kung saan exlusive lamang ito sa nasabing programa upang matiyak na ang mga binebentahan ng P29 kada kilo ng bigas ay pasok sa qualifications.
Mayroon pa aniyang nakalaan mula sa 36,000 kilos na allocation na siyang ibebenta sa mga kadiwa outlets sakaling ito ay simulan na ng Department of Agriculture sa mga iba pang lugar dito sa lambak ng Cagayan.
Limitado rin hanggang 10 kilos ang ibinibigay sa bumibili mula sa isang miyembro ng pamilya at hindi rin pwedeng makaulit pa upang mabigyan rin ng pagkakataon ang iba pang mga qualified beneficiaries.
Sa ngayon ay tanging Cagayan Seed’s producer MPC lamang ang nag implement sa mga kooperatiba ng P29 kada kilo ng bigas program sa Lambak ng Cagayan.
Maalala na ito ang kauna unahang kooperatiba sa lambak ng cagayan na nakiisa sa panawagan ng DA sa kagustuhan na magkaroon ng bigas na nagkakahalaga ng P29 sa kada kilo.