TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang 14-anyos na babae makaraang salpukin ng sasakyan habang nasa gilid ng lansangan sa bayan ng Ballesteros.

Kinilala ang biktima na si Jenny Ceria, grade 8 habang sugatan naman ang tatlong sakay ng sasakyan na sina Juvy Ann Guillermo, driver, Railey Guillermo, isang taong gulang at Remelyn Guillermo, 37.

Sa imbestigasyo ng pulisya, nawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver sa Barangay Zitanga dahil sa madulas na daan at pumalyang preno.

Bumaligtad pa ang sasakyan at nasagi ang isang bahay hanggang sa dumiretso sa isang puno ng mangga bago tuluyang bumangga sa biktima.