Tuguegarao City- Dead on Arrival ng isugod sa pagamutan ang isang 15 anyos na batang lalaki matapos tamaan ng kidlat sa bahagi ng Brgy. Magogod, Amulung.

Kinilala ang biktima na si Georgy Laguin, Grade 8 student at residente sa nasabing lugar.

Sa panayam kay Noel Verbo, Barangay Chairman, pauwi umano ang biktina galing ng bukid lulan ng kanyang motor siklo bago maganap ang insidente.

Kaugnay nito ay nakasunod naman ang kanyang pinsan na nakakita sa pangyayari kung saan sinubukan pa aniya nitong tawagin ang atensyon ng biktima ngunit huli na ng ito ay tamaan ng kidlat.

Nabatid na bago ang insidente ay unang naranasan sa lugar ang pag-ulan na may pagkulog at mga pagkidlat.

-- ADVERTISEMENT --